Thursday, May 5, 2011

Pari-Pari at Berong-Berong - "I Lost 30 Pounds" Award

I LOST 30 POUNDS. Napaka-fitting ng award na yan dahil sa dalawang iyan talaga ako napagod at pinawisan ng wagas. Grabe tong mga games na to. Dito ko nalamang "kaya ko pala yun?". talagang strength ang kailangan dito lalo na sa Pari-pari natalaga namang nakakapagod.

Una sa Barong-berong, ito yung parang Snake kaso nga lang pwede ring manaya yung buntot nung snake kaya habang huahaba siya ay humihirap kasi nakukulong ka sa loob ng loop. Nakakapagod siya kasi kailangan mo talagang tumakbo para ikulong yung players tapos nahihila na ako both sides! Sumakit talaga ang katawan ko nun at sobrang pagod ako kaya nakatulog na ako sa Socio 10 class ko nung hapon LOL.

"Ikaw na" player o MVP: Feeling ko wala naman kasi it's a team effort eh. Yung mga ayaw magpahuli siguro pwede nang MVP :D

Next is yung Pari-pari. Ayan! Eto talaga ang sumukat sa aking lakas! Kumusta naman ang pagbubuhat sa lahat ng maga natirang mga teammates tapos ililipat mo sa next carriers? Ang rules kasi ng game ay parang relay siya tapos may 3 pairs na magsisilbing mga upuan kung sann uupo yung mga Pari o yung mga teammates tapos bubuhatin sila ng isang pair, ililipat sa next pair and oso on hanggang makarating sa end ng court. Grabe ang effort! Buti na lang kinaya naming mabuhat lahat pero sobrang napagod ako tapos sumakit yung mga braso ko dahil sa sobrang intense. Di ko maimagine kung gaano kadami ang pawis ko (kadiri ba? haha)

"Ikaw na" player o MVP: AKO ULIT! Medyo nag-hoard ng awardss??? hahaha. Pero honestly ito ang pinaka nag-exert ako ng effort sa lahat ng games at dito ko nabuhat ang mga di ko nabubuhat! Talbog ang Weight Training na PE dito!

Maganda ring variation kung yung mangyayari ay nakapila sila tapos yung nasa dulo ay bubuhatin para mapunta sa unahan tapos gagawin yun hanggang umabot na yung line dun sa end ng court. (Medyo magulo yata kasi walang demo :|)

Ito na anf NUMBER ONE Ozzumest Games! Tie sila sa top spot!

Ayan at tapos na ang First Installment ng journal ko. Abangan ang Sequel nito ngayong May! :D

No comments:

Post a Comment