Wednesday, May 4, 2011

Aswang-aswang (and Family) - "Tight Tayo" Award

Aswang-aswang. Akala ko nung una ay takutan ang game na 'to. Seriously. Yun pala tayaan siya. Yung mechanics nung game, merong isang "Aswang" at may mga "Taong-bayan". Yung mga tao papasok sila sa isang bilog na playing area tapos yung aswang naman hanggang dun lang siya sa circumference ng circle. Ang goal ni aswang ay manaya ng taongbayan para maipasa yung pagiging awang niya. Ayun uulitin siya hanggang sa mahilo kayo. Joke!

Tight Tayo Award. First meeting namin to nilaro kaya naman awkward pa ang feeling ng siksikan sa mga di mo kakilala. Kaya ko binigay to dahil mga around 8 or 10 kayong mga nasa loob ng circle (na kasing laki ng circle sa gitna ng basketball court) na iiwas sa aswang. O diba instant best-friends? Meron pang sigawan na: "KADIRI!!! PAWIS!" Di mo talaga maiiwasang madikitan ng pawis dahil sobrang dami ninyo at siksikan talaga. Kaya naman just go with the flow diba?
Over-all nag enjoy ako sa game na ito kaya ito ang aking FIFTH Ozzumest Game as of now. YAY!

Kung magbibigay ako ng variation, gagawin kong mas malaki yung circle. Yun talaga yung mahirap kasi ang liit ng area kaya tulakan to the max. Maganda din kung gagawing irregular ang shape ng play area (pero medyo matrabaho yun) tapos pag lumabas yung tao magiging aswang na rin siya. Masaya yun kasi dapat tingnan mo na rin yung inaapakan mo bukod pa dun sa kung nasaan na yung aswang. GOOD GAME! 

No comments:

Post a Comment