Yan ang mangyayari sa iyo sa game na ito. Literal na gugulong kayo! Simple lang ang mechanics ng game. Sa original, akilangan ninyong gumulong (or more likely,, mag-roll) sideways paputa sa finish line. Gagawin yun ng lahat hanggang sa matapos yung team ninyo. point sa unang makatapos. Medyo okay pa yung original pero yung second ang nakakabaliw! grabe lang kasi ang mechanic naman nito ay gugulungan ng nasa dulo yung teammates niya para umusad yung team nila. parang kapag may tinutulak kang mabigat tapos yung rollers ilalagay mo ulit sa harapan para umusad. basta MAHIRAP SIYA!
Ayan ang pruweba sa itaas. Siguro isa din ito ang nagpapayat sa akin (HUWAAAT????).
Yung isa pang variation fun fun fun na pero mas nakakahilo siya. Yung ginawa is may garter yung team na isusuot so connected na lahat ng members tapos ang gagawin ay saby-sabay na gugulong yung members para makarating sa finish line. parang masusuka ako matapos yung game na to pramis! hahaha! Grabe kasi masakit siya sa ulo kasi first game eto agad kaya naman hilo-hilo na kami pagturo ni Ma'am nung next gaame. I. Love. It.
Tinatanong pa ba ang MVP dito? Siyempre walang iba kundi AKOOOO!!!! Hahaha na-flatten ko yata yung team ko nung ginulungan ko sila tapos naririnig ko pa sila: "Ang sakeeet!" o kaya "Awwwww!" ahahaha sorry naman sa teammates ko diba parang nadaanan lang ng pison.
Ayan so ito ang PINAKA-FAVORITE kong game sa lahat kaya naman dito talaga ako nag-enjoy at napagod ng wagas! Nakakapayat din ito, try mo! :))))
Thursday, May 19, 2011
Delubyo - "2012 Na Ba???" Award
Isa pa tong game na tong nakakabobo. Parang isa or dalawang round lang yata yung alam ko talaga kung saan yung mga safe zones hahaha. Pati si Soo Young nadamay ko pa hahaha. Talagang nagustuhan ko ang game na ito at so far sa lahat ng may habulan ito ang favorite ko kasi ang laki ng playing area tapos nakakalito pa yung mga zones. O diba panalo! Maganda pa dun kasi dumadami yung mga taya kaya di ka mabobore na kaunti lang yung nananaya at talagang matataranta ka lalo na pag mali yung napuntahan mo (katulad ko) at kailangan mong tumakbo sa tamang zone.
para sakin hindi na rin kailangang gawan pa ng dagdag na variation ito kasi napaka exciting at suspense na ng game na ito kaya talagang mag-eenjoy ang kung sino mang maglaro nito pramis! Idol ko ang mga reporters nito kasi napaka-creative nila at talagang na-engage ang buong class maglaro lalo na nung may mga "family" na at magkakahawa na ng kamay yung mga players. Parang may kuwento lang diba?
MVP ko sa game na ito ay si Soo Young dahil second yime niya mag sit-in samin at game na game siya makipaglaro at parang classmate lang talaga namin siya :)))
Dahil diyan ay ito ang SECOND FAVORITE-est game ko! Ayos ba? :))

Wednesday, May 18, 2011
Sambunot - "Ay Mali!!" Award
Ahahahaha parang yung Agawang Panyo ang mechanics ng game na ito. Kaya siya nagkaroon ng award kasi naman ito ang game kung saan nabobo ako! Grabe lang yung kapag tinatawag yung FIVE! palaging nagloload ang aking isip tapos pag ibang numbers tumatakbo ako kaya naman nakakalito. Pati rin yung ibang classmates ko nalilito rin kasi feeling ko ang sabog namin nung day na yun hahaha. pati yung variation ang funny kasi palaging nalalaglag yung bunot kaya naman palipat-lipat lang ng players at simpre, career nanaman ang mga iba!
"Ikaw na" player o MVP: Si Abe! Parang basketball lang kung maglaro nungpasahan eh haha kumpleto pa sa hand signals!
Ibibigay ko sa game na ito ang THIRD FAVORITE-est game award dahil sa napasaya ako nito (wait bat parang kakaiba ata? haha)
Bahay Pukyutan - "OMG Sapatos Koooo!" Award
Masakit sa paa itong larong ito! Apakan kasi ang style niya. Yung mechanics nung game is hahatiin yung class into two groups na parang "colony" ng mga bubuyog. Sa original game, ang gagawin lang ay dapat maapakan mo yung paa ng kalaban mo. Parang binyagan ng bagong sapatos. Pag naapakan ka naman out ka na at yung team na may pinakamaraming buhay na players ang panalo.
Sa next variation naman nila ay meron nang queen bee. Yung role ng queen ay dapat protektahan siya ng mga bees kasi pag natapakan siya is worth 10 points yun. Next round naman ay pwede na mangsave yung queen basta di rin siya maapakan ng kalaban kaya may pagka-endless yung game. Ang winner ng queen bee namin na si Aljohn! Ang pinakamaingay na bee sa balat ng gym!
Nag enjoy di ako sobra sa game na to kasi ang saya tumalon at umapak ng mga paa (haha) tapos iilagan mo yung mga paa ng iba. Minsan pa nga may mga taong super taas tumalon (ehem, Ken) na tipong akala mo lumilipad na eh >_<.
"Ikaw na" player o MVP: Siyempre si Ken dahil di ko makalimutan yung taas ng talon niya nung inapakan niya si Aljohn. kala ko si Superman na eh!
Mas maganda siguro kung nilakihan nila yung playing area para di mahirap manghabol kasi nagkakabanggaan na eh haha.
bibigay ko dito ang FOURTH FAVORITE-est game award dahil nauwa ako ng sobra dito!
G.A.R.C.H. - "Speller of the Year" Award
Ang funny talaga ng game na ito. Di ko alam kung bakit naisip ng group ang pag butt-spellingin pero nakakatawa ang mga classmates ko na kumacareer sa pag-spell! Grabe lang yung group nina Aljohn na talagang may spelling area pa dun sa center circle ng court. Pati si Miguel din career sa pag-spell. Siyempre may habulan! And take note with panyo pa ito so nakakataranta pag napapalibutan ka na ng mga kalaban kasi nanganganib kang mag butt-spell!
Anyway, buti naaman at palagi akong nasasave kaya di masyadng nagfafail pag nagbubutt-spell (thank you groupmates!). Masyadong naging funny ang game na ito kaya naman di masyadong intense except sa mga usual na varsity players.
Di ko na ito bibigyan ng variation kasi sobrang fun na nung game at wala ka nang hahanapin pa!
"Ikaw na" player o MVP: Si Boon na naman kasi intense ang panghahabol niya at pati na rin yung may bote part kinacareer niya para talaga manalo
Dahil diyan, ito ang FIFTH FAVORITE-est game ko!
Philippine Games: Auf wiedersehen...
Hmmm... I really do not know what I'll feel now that my second but probably the BEST EVER PE CLASS in college finally coming to a close. I have to admit that this class is my abolute favorite this Summer term and I'll surely miss my classmates...
Tama na ang drama!!! So here comes the second round of Philippine Games Awards! :D
Tama na ang drama!!! So here comes the second round of Philippine Games Awards! :D
Thursday, May 5, 2011
Pari-Pari at Berong-Berong - "I Lost 30 Pounds" Award
I LOST 30 POUNDS. Napaka-fitting ng award na yan dahil sa dalawang iyan talaga ako napagod at pinawisan ng wagas. Grabe tong mga games na to. Dito ko nalamang "kaya ko pala yun?". talagang strength ang kailangan dito lalo na sa Pari-pari natalaga namang nakakapagod.
Una sa Barong-berong, ito yung parang Snake kaso nga lang pwede ring manaya yung buntot nung snake kaya habang huahaba siya ay humihirap kasi nakukulong ka sa loob ng loop. Nakakapagod siya kasi kailangan mo talagang tumakbo para ikulong yung players tapos nahihila na ako both sides! Sumakit talaga ang katawan ko nun at sobrang pagod ako kaya nakatulog na ako sa Socio 10 class ko nung hapon LOL.
"Ikaw na" player o MVP: Feeling ko wala naman kasi it's a team effort eh. Yung mga ayaw magpahuli siguro pwede nang MVP :D
Next is yung Pari-pari. Ayan! Eto talaga ang sumukat sa aking lakas! Kumusta naman ang pagbubuhat sa lahat ng maga natirang mga teammates tapos ililipat mo sa next carriers? Ang rules kasi ng game ay parang relay siya tapos may 3 pairs na magsisilbing mga upuan kung sann uupo yung mga Pari o yung mga teammates tapos bubuhatin sila ng isang pair, ililipat sa next pair and oso on hanggang makarating sa end ng court. Grabe ang effort! Buti na lang kinaya naming mabuhat lahat pero sobrang napagod ako tapos sumakit yung mga braso ko dahil sa sobrang intense. Di ko maimagine kung gaano kadami ang pawis ko (kadiri ba? haha)
"Ikaw na" player o MVP: AKO ULIT! Medyo nag-hoard ng awardss??? hahaha. Pero honestly ito ang pinaka nag-exert ako ng effort sa lahat ng games at dito ko nabuhat ang mga di ko nabubuhat! Talbog ang Weight Training na PE dito!
Maganda ring variation kung yung mangyayari ay nakapila sila tapos yung nasa dulo ay bubuhatin para mapunta sa unahan tapos gagawin yun hanggang umabot na yung line dun sa end ng court. (Medyo magulo yata kasi walang demo :|)
Ito na anf NUMBER ONE Ozzumest Games! Tie sila sa top spot!
Ayan at tapos na ang First Installment ng journal ko. Abangan ang Sequel nito ngayong May! :D

Agawang Panyo - "Proud Ako Dahil Kami ang Nag-report Niyan" Award
RePorTerzhs pfeowh aQuoH d2...
Siyempre di ko dapat kalimutan ang bumentang game na nireport namin! Akala ko talaga nung una medyo mild tong game na to dahil yung rules niya dun sa book napaka simple lang. Syempre kailangan ng exciting na variation kaya dun kami bumanat! Sa original game kasi may mga numbers lang sila tapos tatawag ka ng kahit ilang numbers. Yung mga magkakaparehong numbers sa opposing teams sila yung mag-aagawan para kunin yung panyo dun sa nakatayo sa gitna. Kung sinong makakuha ng panyo, kailangan niyang ibalik sa base niya pero hahabulin siya ng mga kalaban at kapag nataya siya ay no point iyon. So ayun lumabas ang kabaliwan namin at kung anu-ano na ang ginawa namin para malito sila. Merong: "lahat ng divisible by 3!" so takbo naman sila. nakakatawa pala manood ng mga naglalaro!
Ginawa naming variation dito ay may dalawang set ng panyo at dapat yung isa ay dadalhin sa base at yung isa naman ay dadalhin sa base ng kalaban. Mas naging exciting yung game kasi dalawa na ang kailangang gawan ng strategy at dapat ay may offense at defense na sila. Mas nag-rambulan sila sa round na to at feeling ko nagustuhan nila yung game na ipinresenta namin! OH YEAH!

"Ikaw na" player o MVP: Lahat sila! Grabe ang dedication ng mga tao para di makarating sa base nila yung panyo ang funny talaga tingnan. Kawawa ang mga panyo...di na napakinabangan pagkatapos hahaha.
Di ko na gagawan ng variations to dahil kami naman na ang nagreport :D
Ang award nito ay ang SECOND Ozzumest Game! May trophy na yan!
Bihagan - "Accident Prone" Award
Bihagan. Second meeting pa lang at naging intense agad ang game. Intense na to the point may na-injure agad! Kasi naman brutal ang rules eh. Nakapuwesto ang dalawang teams na magkalaban into two parallel rows. Yung goal ng bawat team is to "bihag" o manghuli ng mga kalaban at gawing mga Prisoners of War (O diba scary na agad?). Parang Tug-of-War ang style ng hilahan dito kaso nga lang yung tao ang paghihilahan nila kaya nakakatakot na baka madislocate or mabalian yung iba kasi may mga kuma-carreer sa game na ito! Nung ak onga mahila ng kalaban feeling ko natanggal yung balat ng braso ko. Seriously. Tapos mafefeel mo rin dito ang love (huh?) ng mga teammates mo dahil sa pagyakap nila sayo para hilahin ka pabalik sa base ninyo. WILD!
"Ikaw na" player o MVP: Apat ang MVPs ko dito. Una sila Boon at Bam (Oh my tama ba spelling ko?). Silang dalawa ang talaga namang INTENSE! Syempre huwag din nating kalimutan si Ateng Na-Injure! Buti naman at hindi fracture yung nangyari sa kanya at nakapaglaro na siya ulit. :D. Last but definitely not the least, si Ma'am! Grabe lang ang bilis gumalaw! Funny rin nung binuhat siya nung teammate ko hahaha!
Variation siguro dito ay dapat on-on-one lang or kung nadala na sa base yung kalanban, magiging member na siya ng kabilang team at pwede na tumulong para manghuli ng kalaban.
At dahil diyan, ito ang THIRD Ozzumest Game ko!

Araw at Gabi - "Matatapang, Matatalino" Award
Ay @%#$& TSINELAS yan! O kung conyo ka, Oh my FLIP-FLOPS!
Isa lang ang masasabi ko dito: NAKAKABOBO. Ito ang tipo ng game na lahat ay inaabanagan ang ikikilos ng kalaban. Dapat ay precise ang galaw mo dito lalo na kung kasama ka sa mga tatakbo palayo dahil lagot ka kapag nataya ka. Kukunin ka ng kalaban at magiging isa ka na sa kanila. Kaya mo yun?
Kaya naman nakakalito ang game na 'to ay dahil pasaway si Ma'am (peace po ma'am :D). may mga left-right side pang pangyayari at meron pa minsang binagsak lang niya yung mga tsinelas tapos akala namin joke lang. Yun nataya tuloy ako. Ang hirap mag-isip habang naglalaro no! Grabe lang pag narealize mong ikaw na yung hahabulin, it's too late haha. Mas benta yung nung kami naman ang nanghabol. Todo takbo naman ako para habulin yung kalaban tapos yun pala kami dapat yung hahabulin. Tawa talaga!
"Ikaw na" player aka MVP: AKO. Oo ako! Dahil yan sa kabangagan ko sa game na ito at ang intense na panghahabol ko.
Kung magdadagdag ako ng rule siguro mas masaya kung nakatalikod lahat tapos magwi-whistle si Ma'am kung haharap na kami para may thrill yung pagtingin sa tsinelas.
Dahil diyan, ito ang FOURTH Ozzumest Game ko.

Wednesday, May 4, 2011
Aswang-aswang (and Family) - "Tight Tayo" Award
Aswang-aswang. Akala ko nung una ay takutan ang game na 'to. Seriously. Yun pala tayaan siya. Yung mechanics nung game, merong isang "Aswang" at may mga "Taong-bayan". Yung mga tao papasok sila sa isang bilog na playing area tapos yung aswang naman hanggang dun lang siya sa circumference ng circle. Ang goal ni aswang ay manaya ng taongbayan para maipasa yung pagiging awang niya. Ayun uulitin siya hanggang sa mahilo kayo. Joke!
Tight Tayo Award. First meeting namin to nilaro kaya naman awkward pa ang feeling ng siksikan sa mga di mo kakilala. Kaya ko binigay to dahil mga around 8 or 10 kayong mga nasa loob ng circle (na kasing laki ng circle sa gitna ng basketball court) na iiwas sa aswang. O diba instant best-friends? Meron pang sigawan na: "KADIRI!!! PAWIS!" Di mo talaga maiiwasang madikitan ng pawis dahil sobrang dami ninyo at siksikan talaga. Kaya naman just go with the flow diba?

Over-all nag enjoy ako sa game na ito kaya ito ang aking FIFTH Ozzumest Game as of now. YAY!
Kung magbibigay ako ng variation, gagawin kong mas malaki yung circle. Yun talaga yung mahirap kasi ang liit ng area kaya tulakan to the max. Maganda din kung gagawing irregular ang shape ng play area (pero medyo matrabaho yun) tapos pag lumabas yung tao magiging aswang na rin siya. Masaya yun kasi dapat tingnan mo na rin yung inaapakan mo bukod pa dun sa kung nasaan na yung aswang. GOOD GAME!
I Love My Physical Ed Class! (Series)
Okay so gagamit muna ako ng Filipino (or more like Taglish) sa mga posts ko sa blog na ito para naman I can "express myself fully". Oha!
Ayun so napakabenta talaga sa akin ng Philippine Games. AS. IN. SOBRA. Talbog lahat ng ibang PE (well, in my case second PE ko pa lang ito at Tenpin Bowling yung una) dito! Ewan ko na lang kung di ka pa matuwa kapag nakuha mo 'to sa CRS at si Ma'am Grecia ang instructor mo. Para kang nanalo sa lotto pramis!
Isa ako sa mganilalang na napapatanong pag sinabi ng kaibigan na Philippine Games ang PE niya. Kasi naman diba, parang kakaiba na sa college may ganun pa. Pero sabi nga nila, basta PE classes sa UP: "You name it, we have it!". Naexperience ko na rin na matanong na:
Si Friend: "Philippine Games? Anong ginagawa dun?"
Ako: "Naglalaro."
Si Friend: "Nang ano? Jackstone? Sungka? Habulan?"
Ako: "Uhmm...medyo ganun yung iba pero mga kakaibang games yung nilalaro namin eh"
Ganyan tyalaga ang unang reaction nila kaya naman sa mga di pa nakakaexperience ng Philippine Games diyan, hanapin na sa CRS ngayong First Semester PE 2 PG ni Maam Grecia. Ipagdasal mo lang na sana meron pang slots at baka naman inubos na ng Freshies...aww may Second Semester at Summer pa naman kaya palaging hunting-in ang PE na ito o kaya naman ay mag-prerog!! GO NA!

Subscribe to:
Posts (Atom)